PIGA LANG NANG PIGA
Ikaw.
Oo ikaw. Tingnan mo itong baso.
Ang basong ito ba ay kalahating puno o kalahating kulang?
Ito ang kasagutan. Ang optimista raw ay nakikita ang basong
iyan na kalahating puno. Ang pesimista naman ay kalahating kulang. Ang reyalista,
nakikita ang basong ito bilang “palaging” puno. Dahil kung pag-uusapan sa paraan
ng teoryang realismo, ang basong ito ay laging puno dahil naglalaman ito ng
kalahating porsyento ng tubig at kalahating porsyento ng hangin. Ang pangatlo ang sagot ko.
Isinigaw na ng titulo ng blog na ito ang teoryang isinasabuhay ko. Oo. Reyalista ako.
Sinusuportahan ko ang teoryang realismo.
Realism is an act of
accepting reality in its actual spirit and essence including facts, physical
universe, events, necessities of life, ground realities, favorable or
unfavourable situations, conditions and atmosphere, as they are, as opposed to
the abstract or ideal. (Hussain, 2003)
Uunahan na kita. Hindi ibig sabihin ng pagiging reyalista ay
isa na rin akong pesimista. Walang perpekto sa mundong ibabaw. Ang maging tao
ay ang magkamali. Hindi lahat ng gusto mo, mapapasakamay mo kahit ano pang paghihirap
ang gawin mo. Hindi ideyal ang mundong ginagalawan mo. Kung ideyalista ka,
mukhang hindi tayo magkakasundo. (Biro lamang)
“We can evade reality, but we cannot evade the consequences of
evading reality.” (Rand, 2000)'
Aaminin ko na rin. Marami rin talagang butas ang teoryang ito.
Una, tinitingnan ko ang isang sitwasyon bilang isang pangkaraniwang sitwasyon,
walang nakapaloob na emosyon. Maaari ring masabihan lagi ako bilang isang “pesimista”,
na laging nangyayari.
Pero mayroon din naman kagandahan siguro ang pagiging reyalista.
Hindi umaasa, hindi nasasaktan. Ang maging reyalista ay ang pagkatanggap ng katotohanan, mabuti man o
hindi. Ang katotohanan ay masakit, pero mas mahapdi ang mabuhay sa
kasinungalingan at panlilinlang. Mga panlilinlang na nililikha ng utak mo,
dahil ideyal kang tao. Oo, walang mali
ang maghangad sa perpeksyon, pero kadalasang dumarating sa puntong puro imahinasyon
ang sangkap ng bagay na nasa loob ng bungo,
hindi na kumikilos upang makamit ang ideyal na mundong hinahangad ng
kahit na sino.
Kahit magpaiko-ikot tayo rito, lahat babagsak din sa
isiping, “Utak ang kumokontrol ng ating buong pagkatao, kahit ano pa mang
teorya ang pinaniniwalaan mo.” Kaya kung
naguguluhan ka sa mga bagay-bagay sa buhay mo, sisihin mo ang utak mo.
Sige, pumapayag ako. Patunayan mong mali ang teoryang pinaniniwalaan ko. Sige, pumapayag ulit ako. Laitin mo ang sulating ito.
Pero humanda ka kapag nagkita tayo. (Biro lang ulit)
Nang makita ko ito, mukhang magbabago na yata ang teoryang
pinaniniwalaan ko. (Huling biro na talaga)
P.S. Ma'am Krupskaya, nais ko lamang pong itanong, may nakita po kasi ako na kapag ang larawan ay galing sa Google Images, hindi na raw po kailangan i-cite? Kasabay po ng mga komento ninyo, ayos lang po ba kung malaman ko kung tama ang nabasa ko? Maraming salamat po.
Whahaha! convesational yung blog mo kaya hindi ako nainip basahin, ikaw na ikaw:D In-text citation na lang..
TumugonBurahinConstructive criticism po. Nothing personal :D
TumugonBurahinMaganda na to. Madaling intindihin ang gusto mong iparating. Sa palagay ko lang, tanggalin mo na lang yung mga naka-parenthesis mo (biro lang) kasi hindi naman xa nakakadagdag o nakakatulong sa ikagaganda ng blog. pero okay na, kung may iba ka pang critic na maidadagdag mas maganda :)
Andaming biro lang. :D
TumugonBurahinHindi ko din alam kung seryoso ka dun sa huling paragraph mo. :D Pero natawa ako dun.
Ang ganda ng theory na napili mo. Siguro mas maganda kung magbbigay kapa ng mga sample na nahahambing ung iba't-ibang teorya. The best talaga yung ininom e. Haha.
Okay na siya Cess, nakaka-distract lang yung "biro lang". Tamang lagay lang din ng mga citations base sa mga itinuro ni Ma'am. Ilang halimbawa pa sana ng mga instances kung saan ipinapakita ang pagiging realista para maging mas malinaw yung teorya.
TumugonBurahinOkay na siya. Taray galing ahh. Pagpatuloy mo yan. Maganda siya basahin kahit papaano. Ahaha. Wag mo ng lagytan nung biro lang ekek mo gaya ng sabi nila kasi nakaka-distract.
TumugonBurahin-Plastic Friend :)
Well-explained kahit na short and simple lang ang pagsulat mo ng critique ng theory mo. Proper citation na lang siguro.
TumugonBurahinSuggestion, pwede sa first sentence "Ito ang sagot; blah blah blah, blah blah, blah." Kasi tingin ko iisang thought lang naman yun, para sakin hindi ko bet kung laging tuldok. 7th paragraph, maraming baliktad na words. Instead of "walang mali ang maghangad sa perpeksyon" try "walang mali sa paghahangad ng perpeksyon" or "hindi mali maghangad ng perpeksyon". Tanggalin yung mga biro lang keme.
TumugonBurahin-plastic friend 2
una sa lahat astig yung background mo. katulad nung mga naunang comment nakaka-distract yung "biro lang". prpoer citaions dun sa mga dapat lagyan. medyo lakihan mo yung font size nung text medyo naliliitan ako eh hahaha.
TumugonBurahinAno ba 'yan Ces. Puro biro lang halos nakita ko, pero naintindihan ko naman yung gusto mong iparating. :) Maganda kung paano mo inatake ang paniniwala mo sa teoryang realismo. Yun nga lang nga, alisin mo na yung mga words o sentences na hindi naman importante. Saka proper citations pala. ^^
TumugonBurahinhindi maganda yung biro.. okay naman sya maganda at kaalialiw basahin. sakto lang yung haba.. siguro ayusin mo na lang yung flaws okay na!! :)
TumugonBurahinSobrang naiintindihan ang iyong paliwanag. Wag mo lagyang ng "Biro lang.." Kasi parang di ka sigurado sa sinasabi mo. Okay naman na over all eh.
TumugonBurahinTulad nga ng sabi nila, yung pagdagdag mo ng "biro lang" parang nakawala ng "kredibilidad?" sa post mo about sa teorya. Naging maganda naman yung pagkakasalaysay mo rito eh. :)
TumugonBurahinAng dami ng comment gusto mo pa kong magcomment, gusto mo talaga marinig ang nakita ko sa blog mo. Oo maganda ang pagkaka conversational type ng entry mo pero sana you did take it seriously, I have to agree with Jo na sana tanggalin mo na yung "Biro Lang" quotes kasi distracting but nonetheless maganda sya, ikaw yan e. Haha.
TumugonBurahinReader-friendly, magandang basahin at maayos ang pagkakalapat ng mga thought. Simple yet concise.
TumugonBurahin1
TumugonBurahinKung reyalista ka, bakit puro biro? Kung isa itong istilo para
matuwa ang mga mambabasa - sa tingin ko ay nililito nito
ang gustong tunguhin ng teorya mo.
2
Too much of inserting unnecessary comments like, "ikaw, oo ikaw"
and "humanda ka kapag nagkita tayo". It really contradicts you
being a realist.
3
Short and good. :)
4
Proper citations please. :)