Sabado, Disyembre 7, 2013

MASIKIP NA, HUWAG MO NANG IPASOK PA


     Kaninang umaga ko pa dapat naipost ito, kaya lamang, may mga pagkakataong susubukan Niya ang iyong katatagan at paniniwala. Nagloko ang wi-fi. Ang over-acting ko lang.

'Cause these words are knives and often leave scars, the fear of falling apart, and truth be told I never was yours, the fear the fear of falling apart. Oh...oh..oh...This is the beat of my heart, this is the beat of my heart, oh...oh...oh...this is the beat of my heart, this is the beat of my heart."

Seryoso sa di lang seryoso, iyang mga katagang iyan ang unang pumasok sa isip ko pagkagising na pagkagising ko. Lyrics iyan sa isang kanta na pinamagatang "This is Gospel" ng isang bandang gusto ko, ang Panic! at the Disco. Mag-iisang linggo na yata akong LSS diyan. Napakagaganda ng mga kanta ng bandang ito, pati ang mga music video, mapapaisip ka talaga, hindi tulad ng mga walang kwentang kanta ngayon na pauli-ulit at wala namang katuturan. Wala akong sinabing yung mga Kpop, si Justin Bieber, Nicki Minaj at Chicser ang tinutukoy ko ha. Wag mo akong pagbintangan.

Pagkatapos kong kumanta sa isip, (huwag na sa boses, maraming madidismaya) syempre, nagdasal ako, kahit hindi naman talaga halatang nagdadasal ang isang tulad ko. Lagi nga akong nakikipagtalo na hindi kailangang magsimba para masabing isa kang mabuting taong sumusunod sa mga utos ng Diyos. Sabi ko, "Lord, salamat po ne. Buhay na naman ako, yung iba hindi na. Katulad nina Nelson Mandela at Paul Walker, pati yung drayber niya. Mabubuti siguro silang tao kaya agad mong kinuha." Naisip kong matagal pa siguro akong mamamatay dahil masama akong damo.


Rumagasa ang mga isipin sa utak ko. Ang daming pumasok. Yung iba kahit na hirap na hirap nang pumasok, ipinagsiksikan pa rin ang mga sarili. Pero sandali lang, maya-maya ko na ikukuwento, naiihi na ako.

*********************************************************************************


Ang dilaw ng ihi ko. Kailangan ko nang mag-iinom ng maraming tubig. Pero ito na talaga ang mga naisip ko kanina habang nakahiga ako at tinatamad pang bumangon. May part time job ako. Crew sa Jollibee. Counter. Bwisit. Nagsisisi talaga ako bakit pa ako nagpart-time, kahit medyo kaya pa naman ng mga magulang kong pag-aralin ako. Kasi naman kasi naman kasi naman kasi, nanghihinayang din ako sa lahat ng pagod ko sa pag-aapply dito. SOBRANG HIRAP. Katulad kahapon, nawala pa ang cellphone ko sa crew room. Bwisit naman oh. Wala na nga akong pera, nanakawan pa. Tapos nang mag-cut off ako (ito yung kukuwentahin na ng counter lahat ng perang pumasok sa kanya), na-short pa ko. Paluwal pa ako ng P170.00. Malas ako o malas ako o may sumpa talaga sa katawan ko? Nakakainis naman, may balat ba ako sa puwit? Di ko kasi tinitingnan e, nakakadiri.


Pinilit kong kalimutan ang masaklap na pangyayaring sa aking iyan, pero may pumalit naman. Nakakaburyo. Ipapasa na ang introduction, background of the study at objectives para sa thesis, wala pa kaming nagagawa. Mayroon pang 100 items objective test sa CETV, hindi pa ako nagbabasa ng sandamakmak na hand-outs kahit isang salita roon, report sa Rizal ar Film Writing, tapos quizzes sa Broadjourn, iyong Intercomm pa na kailangang maghagilap ng foreigner na kakaibiganin (Ma'am, mayroon po ba kayong kilala? Hehe joke lang po), tapos itong pang isusulat na blog. Lahat iyan naiisip ko, nababaliw kasi ako sa pag-aaral, sabi ba naman kasi ng Tita ko, "Kapag naging magnacumlaude ka, diyan na talaga kita hahangaan." Sige po, mag-aral kayo ulit para malaman ninyo kung gaano kahirap. Ang pagiging magnacumlaude ay hindi parang isang fishball na tutusukin lamang at isusubo. Hindi iyon ganun kadali. Ngunit naisip ko rin, na napakakitid naman ng utak ko, natural, nag-aaral ako at kasama sa pag-aaral ko ang ganyang tambak na mga gawain, bakit ako nagrereklamo? Swerte ko nga e, nakakapag-aral pa ako.


Pero mali talaga si Ma'am Krupskya Valila e. Para sa akin, kahit maganda si Ma'am, nagkamali rin naman siya. Bakit? Para sa akin lang naman, hindi ko dinadamay ang iba sa opinyong ito, sa oras na sinabi ni Jonel na kailangang magsulat ng mga bagay-bagay pagkagising sa umaga, natural, kaming mga nakinig ng anunsyo ay mag-iisip na agad ng magandang mga bagay na dapat isulat kahit di pa kami natutulog. Napre-emp na ba kumbaga. Pero natutuwa ako sa sarili ko kasi yung mga naisip ko nang sinabi  ni Jonel ang dapat gawin, ay hindi ko naisulat sa blog na ito. Buti nalang, na-brain washed ko ang sarili ko na huwag kong isulat ang mga iyon. Huwag po sana magalit si Ma'am, opinyon lang naman at maari o malaki ang tsansang mali ako.  Katulad nga ng sabi ng isa sa mga paboritong linya ko, mali ako o mali ako?

Ragasa ulit ang mga iba't-ibang bagay sa utak ko. Hirap na hirap na silang pumasok, masikip na. Saka ko na isusulat, kikitain ko pa ulit si Jollibee. Baka ma-late na naman ako. Teka may bago ba?

            Natural na natural ang sulating ito, walang labis, walang kulang, walang pambobola, walang panloloko at ang manunulat, walang pera.

Sabi ko tama na MUNA ang pagsusulat e, di ko pa rin mapigilan ang kamay ko na magtipa. Huli na talaga itong dalawang susunod na pangungusap.

NAPAGULO NG UTAK KO, ANG MGA NAKAPALOOB, HALU-HALO. PARANG GUSTO KO TULOY NG HALU-HALO NGAYON, KAHIT MAGINAW.


11 komento:

  1. Oh, ganito rin ba magsulat si Bob Ong? Hehe salamat Jossana.

    TumugonBurahin
  2. Oo naman, nagkakamali din naman ako, tao lang rin. :) Pero malalaman natin ang silbi ng aktibidad na ito 'pag nagkita na tayo sa Wednesday. Mag-aral ng mabuti. :)

    TumugonBurahin
  3. OO nga parang Bob Ong. Pero hanga ako sa istilo ng pagsusulat mo cess :)

    TumugonBurahin
  4. Hanga ako sa'yo dito Princess! *boobs* AYY konserbatibo ka nga palaaaaa hihi labyoo sorryy :D<3

    TumugonBurahin
  5. DI AKO MAKAPAG-FOCUS NG MAAYOS HABANG BINABASA KO YUNG BLOG MO DAHIL SA BACKGROUND MO, CESS!!! BADTRIP KA! Hahahahahaha love you :*

    TumugonBurahin
  6. Yieee nakita ka namin sa Jollibee kanina!!! :D

    TumugonBurahin