PRINSESA
REALISTA
Ikaw,
tingnan mo itong baso.
Ang basong ito ba ay kalahating puno o kalahating kulang?
Ito ang kasagutan. Ang optimista raw ay nakikita ang basong iyan
na kalahating puno. Ang pesimista naman ay kalahating kulang. Ang realista,
nakikita ang basong ito bilang “palaging” puno. Dahil kung pag-uusapan sa
paraan ng teoryang realismo, ang basong ito ay laging puno dahil naglalaman ito
ng kalahating porsyento ng tubig at kalahating porsyento ng hangin. Ang
pangatlo ang sagot ko.
Isinigaw na ng titulo ng blog na ito. Oo. Realista ako.
Sinusuportahan ko ang teoryang realismo.
Realism is an act of accepting reality in its actual spirit and
essence including facts, physical universe, events, necessities of life, ground
realities, favourable or unfavourable situations, conditions and atmosphere, as
they are, as opposed to the abstract or ideal. (Hussain, 2003)
Tinatanggap ng isang realista ang mga bagay na tunay. Hindi
nagbabase ang isang realista sa mga bagay imposibleng mangyari.
Bibigyan kita ng isang halimbawa. Idolo mo si Neil Armstrong.
Gusto mo ring makapunta sa buwan. Kung ikaw ay isang idealista, mamanipulahin
ng isip mo ang paniniwala mong posibleng makapunta ka nga sa buwan. Maaaring bigla
kang yumaman at makakapunta ka roon gamit ang iyong limpak-limpak na
salapi. O maaring makakita ka ng isang genie at bigla kang bigyan ng
sasakyang pangkalawakan. Realista ka naman kung naniniwala kang kahit kailan ay
hindi mangyayari iyon dahil isa ka lang katamtamang uri ng tao at mas maraming
bagay ang mas posibleng mangyari kaysa sa pagpunta mo sa buwan.
Isa pang halimbawa, base naman sa aking eksperiyensya, masasabi
kong umiral ang aking pagiging realista sa pagkakataong ito. Noong ako ay nasa
mataas na paaralan pa lamang, dumating sa pagkakataong hindi ko talaga
maintindihan ang itinuturo ng aking guro, sa asignaturang Trigonometry. Ako at
ang mga kaibigan kong sina Cath at Mendez, ay nakararamdam din ng nararamdaman
ko nang mga panahong iyon. Si Cath, tinanggap na lang na babagsak siya, si
Mendez humiling na lang nang humiling na sana ay pumasa siya, ganung
hindi niya pa rin inaaral ang mga hindi niya naiintindihan, puro nalang dasal
at hiling, ako, sinikap kong maintindihan ang mga aralin kahit napakahirap,
ngunit hindi na ako umasang makakakuha ako ng magandang grado, pero awa ng
Diyos, pumasa ako.
Uunahan na kita. Hindi ibig sabihin ng pagiging realista ay isa na
rin akong pesimista. Walang perpekto sa mundong ibabaw. Ang maging tao ay ang
magkamali. Hindi lahat ng gusto mo, mapapasakamay mo, kahit ano pang paghihirap
ang gawin mo. Hindi ideyal ang mundong ginagalawan mo.
“We can evade reality, but we cannot evade the consequences of
evading reality.” (Rand, 2000)
Aaminin ko na rin. Marami rin talagang butas ang teoryang ito.
Una, tinitingnan ko ang isang sitwasyon bilang isang pangkaraniwang sitwasyon
lamang, walang nakapaloob na emosyon. Maaari ring akong masabihan bilang
isang “pesimista”, na laging nangyayari. Maaari ring mawalan ako ng pag-asa sa
mga bagay-bagay, dahil iniisip ko kaagad na imposible iyong maganap.
Pero mayroon din naman kagandahan ang pagiging realista. Hindi
umaasa, hindi nasasaktan. Ang maging realista ay ang pagkatanggap ng
katotohanan, mabuti man o hindi. Ang katotohanan ay masakit, pero mas mahapdi
ang mabuhay sa kasinungalingan at panlilinlang. Mga panlilinlang na nililikha
ng utak mo, dahil ideyal kang tao. Oo, walang mali sa paghahangad sa
perpeksyon, pero kadalasang dumarating sa puntong puro imahinasyon ang sangkap
ng bagay na nasa loob ng bungo, hindi na kumikilos upang makamit ang
ideyal na mundong idinidikta ng ideyal na pag-iisip mo.
Kahit magpaikot-ikot tayo rito, lahat babagsak din sa isiping,
“Utak ang kumokontrol ng ating buong pagkatao, kahit ano pa mang teorya ang
pinaniniwalaan mo.” Kaya kung naguguluhan ka sa mga bagay-bagay sa buhay
mo, sisihin mo ang utak mo.
Sandali lamang. Nang makita ko ito, mukhang magbabago na yata ang
teoryang pinaniniwalaan ko.
RESOURCES:
Half full-half empty glass (online photo), Retrieved December 16, 2013 http://www.google.com.ph/imgres?sa=X&espv=210&es_sm=93&biw=1024&bih=498&tbm=isch&tbnid=AWFJ_cD5e_fykM:&imgrefurl=http://designthinking.ideo.com/%3Fp%3D446&docid=GLnwzYQ0gOvtqM&imgurl=http://designthinking.ideo.com/wp-content/uploads/2010/03/half-full-glass.jpg&w=301&h=399&ei=wUC8UtOoPI6KkwXM4YGgBA&zoom=1&ved=1t:3588,r:7,s:0,i:97&iact=rc&page=1&tbnh=176&tbnw=138&start=0&ndsp=9&tx=125&ty=29
Pessimist, Optimist, Realist quote (online photo), Retrieved December 16, 2012 http://www.google.com.ph/imgres?espv=210&es_sm=93&biw=1024&bih=498&tbm=isch&tbnid=PwnWAzQwAWHdWM:&imgrefurl=http://ecogeekery.tumblr.com/post/6877239313/the-pessimist-complains-about-the-wind-the&docid=2g4LbH9-43hMZM&imgurl=http://28.media.tumblr.com/tumblr_lin2i0ydNj1qbfhlso1_500.jpg&w=500&h=374&ei=r0G8UsXlGoG_lQXn7oHoBQ&zoom=1&ved=1t:3588,r:2,s:0,i:80&iact=rc&page=1&tbnh=187&tbnw=201&start=0&ndsp=9&tx=97&ty=1
Opportunist funny quote (online photo), Retrieved December 16, 2013 http://www.google.com.ph/imgres?espv=210&es_sm=93&biw=1024&bih=498&tbm=isch&tbnid=XOgy8CRhb0ckPM:&imgrefurl=http://blessgivelove.tumblr.com/post/17277304661/dear-optimist-pessimist-realist-while-you-guys&docid=EQ77k29Q22JfrM&imgurl=http://31.media.tumblr.com/tumblr_lz3dsql8mJ1r5aa17o1_400.jpg&w=320&h=320&ei=3EG8UsShDomJlQWzy4HADg&zoom=1&ved=1t:3588,r:1,s:0,i:77&iact=rc&page=1&tbnh=178&tbnw=195&start=0&ndsp=8&tx=73&ty=38
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento