Biyernes, Disyembre 27, 2013

PRINSESA REALISTA (FINAL)


PRINSESA REALISTA

Ikaw, tingnan mo itong baso.

Ang basong ito ba ay kalahating puno o kalahating kulang?





Ito ang kasagutan. Ang optimista raw ay nakikita ang basong iyan na kalahating puno. Ang pesimista naman ay kalahating kulang. Ang realista, nakikita ang basong ito bilang “palaging” puno. Dahil kung pag-uusapan sa paraan ng teoryang realismo, ang basong ito ay laging puno dahil naglalaman ito ng kalahating porsyento ng tubig at kalahating porsyento ng hangin.  Ang pangatlo ang sagot ko.

Isinigaw na ng titulo ng blog na ito. Oo. Realista ako. Sinusuportahan ko ang teoryang realismo.

Realism is an act of accepting reality in its actual spirit and essence including facts, physical universe, events, necessities of life, ground realities, favourable or unfavourable situations, conditions and atmosphere, as they are, as opposed to the abstract or ideal. (Hussain, 2003)

Tinatanggap ng isang realista ang mga bagay na tunay. Hindi nagbabase ang isang realista sa mga bagay imposibleng mangyari.

Bibigyan kita ng isang halimbawa. Idolo mo si Neil Armstrong. Gusto mo ring makapunta sa buwan. Kung ikaw ay isang idealista, mamanipulahin ng isip mo ang paniniwala mong posibleng makapunta ka nga sa buwan. Maaaring bigla kang yumaman at makakapunta ka roon gamit ang iyong limpak-limpak na salapi.  O maaring makakita ka ng isang genie at bigla kang bigyan ng sasakyang pangkalawakan. Realista ka naman kung naniniwala kang kahit kailan ay hindi mangyayari iyon dahil isa ka lang katamtamang uri ng tao at mas maraming bagay ang mas posibleng mangyari kaysa sa pagpunta mo sa buwan.




Isa pang halimbawa, base naman sa aking eksperiyensya, masasabi kong umiral ang aking pagiging realista sa pagkakataong ito. Noong ako ay nasa mataas na paaralan pa lamang, dumating sa pagkakataong hindi ko talaga maintindihan ang itinuturo ng aking guro, sa asignaturang Trigonometry. Ako at ang mga kaibigan kong sina Cath at Mendez, ay nakararamdam din ng nararamdaman ko nang mga panahong iyon. Si Cath, tinanggap na lang na babagsak siya, si Mendez humiling  na lang nang humiling na sana ay pumasa siya, ganung hindi niya pa rin inaaral ang mga hindi niya naiintindihan, puro nalang dasal at hiling, ako, sinikap kong maintindihan ang mga aralin kahit napakahirap, ngunit hindi na ako umasang makakakuha ako ng magandang grado, pero awa ng Diyos, pumasa ako.

Uunahan na kita. Hindi ibig sabihin ng pagiging realista ay isa na rin akong pesimista. Walang perpekto sa mundong ibabaw. Ang maging tao ay ang magkamali. Hindi lahat ng gusto mo, mapapasakamay mo, kahit ano pang paghihirap ang gawin mo. Hindi ideyal ang mundong ginagalawan mo.

“We can evade reality, but we cannot evade the consequences of evading reality.” (Rand, 2000)

Aaminin ko na rin. Marami rin talagang butas ang teoryang ito. Una, tinitingnan ko ang isang sitwasyon bilang isang pangkaraniwang sitwasyon lamang, walang nakapaloob na emosyon. Maaari ring akong masabihan bilang isang “pesimista”, na laging nangyayari. Maaari ring mawalan ako ng pag-asa sa mga bagay-bagay, dahil iniisip ko kaagad na imposible iyong maganap.

Pero mayroon din naman kagandahan ang pagiging realista. Hindi umaasa, hindi nasasaktan. Ang maging realista ay ang  pagkatanggap ng katotohanan, mabuti man o hindi. Ang katotohanan ay masakit, pero mas mahapdi ang mabuhay sa kasinungalingan at panlilinlang. Mga panlilinlang na nililikha ng utak mo, dahil ideyal kang tao.  Oo, walang mali sa paghahangad sa perpeksyon, pero kadalasang dumarating sa puntong puro imahinasyon ang sangkap ng bagay na nasa loob ng bungo,  hindi na kumikilos upang makamit ang ideyal na mundong idinidikta ng ideyal na pag-iisip mo.

Kahit magpaikot-ikot tayo rito, lahat babagsak din sa isiping, “Utak ang kumokontrol ng ating buong pagkatao, kahit ano pa mang teorya ang pinaniniwalaan mo.”  Kaya kung naguguluhan ka sa mga bagay-bagay sa buhay mo, sisihin mo ang utak mo.

Sandali lamang. Nang makita ko ito, mukhang magbabago na yata ang teoryang pinaniniwalaan ko.






RESOURCES:











Martes, Disyembre 17, 2013

PRINSESA REYALISTA

PIGA LANG NANG PIGA

Ikaw. Oo ikaw. Tingnan mo itong baso.

Ang basong ito ba ay kalahating puno o kalahating kulang?



Ito ang kasagutan. Ang optimista raw ay nakikita ang basong iyan na kalahating puno. Ang pesimista naman ay kalahating kulang. Ang reyalista, nakikita ang basong ito bilang “palaging” puno. Dahil kung pag-uusapan sa paraan ng teoryang realismo, ang basong ito ay laging puno dahil naglalaman ito ng kalahating porsyento ng tubig at kalahating porsyento ng hangin.  Ang pangatlo ang sagot ko.

Isinigaw na ng titulo ng blog na ito ang teoryang isinasabuhay ko. Oo. Reyalista ako. Sinusuportahan ko ang teoryang realismo.

Realism is an act of accepting reality in its actual spirit and essence including facts, physical universe, events, necessities of life, ground realities, favorable or unfavourable situations, conditions and atmosphere, as they are, as opposed to the abstract or ideal. (Hussain, 2003)

Uunahan na kita. Hindi ibig sabihin ng pagiging reyalista ay isa na rin akong pesimista. Walang perpekto sa mundong ibabaw. Ang maging tao ay ang magkamali. Hindi lahat ng gusto mo, mapapasakamay mo kahit ano pang paghihirap ang gawin mo. Hindi ideyal ang mundong ginagalawan mo. Kung ideyalista ka, mukhang hindi tayo magkakasundo. (Biro lamang)

“We can evade reality, but we cannot evade the consequences of evading reality.” (Rand, 2000)'

Aaminin ko na rin. Marami rin talagang butas ang teoryang ito. Una, tinitingnan ko ang isang sitwasyon bilang isang pangkaraniwang sitwasyon, walang nakapaloob na emosyon. Maaari ring masabihan lagi ako bilang isang “pesimista”, na laging nangyayari.

Pero mayroon din naman kagandahan siguro ang pagiging reyalista. Hindi umaasa, hindi nasasaktan. Ang maging reyalista ay ang  pagkatanggap ng katotohanan, mabuti man o hindi. Ang katotohanan ay masakit, pero mas mahapdi ang mabuhay sa kasinungalingan at panlilinlang. Mga panlilinlang na nililikha ng utak mo, dahil ideyal kang tao.  Oo, walang mali ang maghangad sa perpeksyon, pero kadalasang dumarating sa puntong puro imahinasyon ang sangkap ng bagay na nasa loob ng bungo,  hindi na kumikilos upang makamit ang ideyal na mundong hinahangad ng kahit na sino.



Kahit magpaiko-ikot tayo rito, lahat babagsak din sa isiping, “Utak ang kumokontrol ng ating buong pagkatao, kahit ano pa mang teorya ang pinaniniwalaan mo.”  Kaya kung naguguluhan ka sa mga bagay-bagay sa buhay mo, sisihin mo ang utak mo.

Sige, pumapayag ako. Patunayan mong mali ang teoryang pinaniniwalaan ko. Sige, pumapayag ulit ako.  Laitin mo ang sulating ito.

Pero humanda ka kapag nagkita tayo. (Biro lang ulit)

Nang makita ko ito, mukhang magbabago na yata ang teoryang pinaniniwalaan ko. (Huling biro na talaga)







P.S. Ma'am Krupskaya, nais ko lamang pong itanong, may nakita po kasi ako na kapag ang larawan ay galing sa Google Images, hindi na raw po kailangan i-cite? Kasabay po ng mga komento ninyo, ayos lang po ba kung malaman ko kung tama ang nabasa ko? Maraming salamat po.



Sabado, Disyembre 7, 2013

MASIKIP NA, HUWAG MO NANG IPASOK PA


     Kaninang umaga ko pa dapat naipost ito, kaya lamang, may mga pagkakataong susubukan Niya ang iyong katatagan at paniniwala. Nagloko ang wi-fi. Ang over-acting ko lang.

'Cause these words are knives and often leave scars, the fear of falling apart, and truth be told I never was yours, the fear the fear of falling apart. Oh...oh..oh...This is the beat of my heart, this is the beat of my heart, oh...oh...oh...this is the beat of my heart, this is the beat of my heart."

Seryoso sa di lang seryoso, iyang mga katagang iyan ang unang pumasok sa isip ko pagkagising na pagkagising ko. Lyrics iyan sa isang kanta na pinamagatang "This is Gospel" ng isang bandang gusto ko, ang Panic! at the Disco. Mag-iisang linggo na yata akong LSS diyan. Napakagaganda ng mga kanta ng bandang ito, pati ang mga music video, mapapaisip ka talaga, hindi tulad ng mga walang kwentang kanta ngayon na pauli-ulit at wala namang katuturan. Wala akong sinabing yung mga Kpop, si Justin Bieber, Nicki Minaj at Chicser ang tinutukoy ko ha. Wag mo akong pagbintangan.

Pagkatapos kong kumanta sa isip, (huwag na sa boses, maraming madidismaya) syempre, nagdasal ako, kahit hindi naman talaga halatang nagdadasal ang isang tulad ko. Lagi nga akong nakikipagtalo na hindi kailangang magsimba para masabing isa kang mabuting taong sumusunod sa mga utos ng Diyos. Sabi ko, "Lord, salamat po ne. Buhay na naman ako, yung iba hindi na. Katulad nina Nelson Mandela at Paul Walker, pati yung drayber niya. Mabubuti siguro silang tao kaya agad mong kinuha." Naisip kong matagal pa siguro akong mamamatay dahil masama akong damo.


Rumagasa ang mga isipin sa utak ko. Ang daming pumasok. Yung iba kahit na hirap na hirap nang pumasok, ipinagsiksikan pa rin ang mga sarili. Pero sandali lang, maya-maya ko na ikukuwento, naiihi na ako.

*********************************************************************************


Ang dilaw ng ihi ko. Kailangan ko nang mag-iinom ng maraming tubig. Pero ito na talaga ang mga naisip ko kanina habang nakahiga ako at tinatamad pang bumangon. May part time job ako. Crew sa Jollibee. Counter. Bwisit. Nagsisisi talaga ako bakit pa ako nagpart-time, kahit medyo kaya pa naman ng mga magulang kong pag-aralin ako. Kasi naman kasi naman kasi naman kasi, nanghihinayang din ako sa lahat ng pagod ko sa pag-aapply dito. SOBRANG HIRAP. Katulad kahapon, nawala pa ang cellphone ko sa crew room. Bwisit naman oh. Wala na nga akong pera, nanakawan pa. Tapos nang mag-cut off ako (ito yung kukuwentahin na ng counter lahat ng perang pumasok sa kanya), na-short pa ko. Paluwal pa ako ng P170.00. Malas ako o malas ako o may sumpa talaga sa katawan ko? Nakakainis naman, may balat ba ako sa puwit? Di ko kasi tinitingnan e, nakakadiri.


Pinilit kong kalimutan ang masaklap na pangyayaring sa aking iyan, pero may pumalit naman. Nakakaburyo. Ipapasa na ang introduction, background of the study at objectives para sa thesis, wala pa kaming nagagawa. Mayroon pang 100 items objective test sa CETV, hindi pa ako nagbabasa ng sandamakmak na hand-outs kahit isang salita roon, report sa Rizal ar Film Writing, tapos quizzes sa Broadjourn, iyong Intercomm pa na kailangang maghagilap ng foreigner na kakaibiganin (Ma'am, mayroon po ba kayong kilala? Hehe joke lang po), tapos itong pang isusulat na blog. Lahat iyan naiisip ko, nababaliw kasi ako sa pag-aaral, sabi ba naman kasi ng Tita ko, "Kapag naging magnacumlaude ka, diyan na talaga kita hahangaan." Sige po, mag-aral kayo ulit para malaman ninyo kung gaano kahirap. Ang pagiging magnacumlaude ay hindi parang isang fishball na tutusukin lamang at isusubo. Hindi iyon ganun kadali. Ngunit naisip ko rin, na napakakitid naman ng utak ko, natural, nag-aaral ako at kasama sa pag-aaral ko ang ganyang tambak na mga gawain, bakit ako nagrereklamo? Swerte ko nga e, nakakapag-aral pa ako.


Pero mali talaga si Ma'am Krupskya Valila e. Para sa akin, kahit maganda si Ma'am, nagkamali rin naman siya. Bakit? Para sa akin lang naman, hindi ko dinadamay ang iba sa opinyong ito, sa oras na sinabi ni Jonel na kailangang magsulat ng mga bagay-bagay pagkagising sa umaga, natural, kaming mga nakinig ng anunsyo ay mag-iisip na agad ng magandang mga bagay na dapat isulat kahit di pa kami natutulog. Napre-emp na ba kumbaga. Pero natutuwa ako sa sarili ko kasi yung mga naisip ko nang sinabi  ni Jonel ang dapat gawin, ay hindi ko naisulat sa blog na ito. Buti nalang, na-brain washed ko ang sarili ko na huwag kong isulat ang mga iyon. Huwag po sana magalit si Ma'am, opinyon lang naman at maari o malaki ang tsansang mali ako.  Katulad nga ng sabi ng isa sa mga paboritong linya ko, mali ako o mali ako?

Ragasa ulit ang mga iba't-ibang bagay sa utak ko. Hirap na hirap na silang pumasok, masikip na. Saka ko na isusulat, kikitain ko pa ulit si Jollibee. Baka ma-late na naman ako. Teka may bago ba?

            Natural na natural ang sulating ito, walang labis, walang kulang, walang pambobola, walang panloloko at ang manunulat, walang pera.

Sabi ko tama na MUNA ang pagsusulat e, di ko pa rin mapigilan ang kamay ko na magtipa. Huli na talaga itong dalawang susunod na pangungusap.

NAPAGULO NG UTAK KO, ANG MGA NAKAPALOOB, HALU-HALO. PARANG GUSTO KO TULOY NG HALU-HALO NGAYON, KAHIT MAGINAW.