Paksiw
na Ayungin
ni
Jose F. Lacaba
Ganito
ang pagkain
ng
paksiw na ayungin:
bunutin
ang palikpik
(para
sa pusa iyan
at
ang matirang tinik),
at
ilapit sa labi
ang
ulo, at sipsipin
ang
mga matang dilat;
pagkatapos
ay mismong
ang
ulo ang sipsipin
hanggang
sa maubos ang
katas
nito.
Saka
mo
umpisahan
ang laman.
Unti-unti
lang, dahan-
dahan,
at simutin nang
husto--kokonti
iyang
ulam
natin, mahirap
humagilap
ng ulam.
Damihan
mo ang kanin,
paglawain
sa sabaw.
At
huwag kang maangal.
Payat
man ang ayungin,
pabigat
din sa tiyan.
(http://avrotor.blogspot.com/2010/12/part-2-rare-food.html)
Hindi ako kumakain ng paksiw na ayungin
kaya hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ito ang napili kong
tula. Nasa mataas na paaralan pa lamang ako ay tuwang-tuwa na ako sa tulang ito
sa di ko malamang kadahilanan.
Ika nga ng isang pilosopo, huwag daw
gawing kumplikado ang mga simpleng bagay, kaya naman ipapaliwanag ko ang tulang
ito gamit ang Teoryang Formalismo. Hindi ko alam kung mababaw ba ako, ngunit
nakikita ko ang tulang ito bilang isang “pagdedemo.” Habang binabasa ko ang
tulang ito, tila ba naglalaway ako.
Sa una at ikalawang taludtod, mababasang animo’y pinapakita
ang pagkain ng paksiw na ayungin, sa ikatlo hanggang ikasiyam na taludtod,
itinuturo ang bawat detalye kung paano hihimayin ang isdang na magsisimula sa
pagbunot ng palikpik at ibigay na lang ito sa pusa para hindi matinik. Sinundan
ito ng pagsubo ng ulo ng isda at kailangang sipsiping mabuti upang masimot ang
katas at susundan ito na ng pagkain na ng laman o katawan.
Pagdating naman sa ikalawang saknong, animoy’ pinapakita na
dapat dahan-dahanin , lubus-lubusin at simutin ang pagkain ng isdang ito dahil
mahirap ang maghanap ng uulamin at kakaunti lamang ito. Nagpayo rin na damihan ang paglalabay ng sabaw
sa kanin upang mabusog sa kakarampot na ulam. Sa huling mga taludtod, nagbabalang
huwag na magreklamo sa pag-uulam ng paksiw na ayungin dahil bagamat maliit na
uri lamang ng isda ito ay makakapaglaman din ito ng tiyan ng sinumang kakain
nito.
Gusto mo na rin ba ng paksiw na ayungin?
RESOURCES:
(Photo, http://avrotor.blogspot.com/2010/12/part-2-rare-food.html)
Date Retrieved: March 5, 2014
(Paksiw na Ayungin, http://nijuuhachi28.blogspot.com/2012/11/paksiw-na-ayungin-ni-jose-f-lacaba.html)
Date Retrieved: March 5, 2014
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento