Naiinip ka ba at walang ginagawa ngayon? Tara, sumama ka sa
akin.
Pamilyar sa iyo itong lugar na ito ‘di
ba?
Tama ka, iyan ang Manila City Hall.
At tutal na rin naman, nandito na rin tayo, dumiretso na tayo sa…
INTRAMUROS!!! Unang pagkakataon kong makapunta rito. Ang lugar kung saan pwedeng pwede ka
"magwalling" dahil nga napakaraming pader dito, "THE WALLED
CITY" anila. Kaunting kaalaman para sa iyo, alam mo ba itong
Intramuros ay idineklara bilang National Historical Monument noong 1951?
Mayroon din itong walong (8) pasukan kaya humanda ka sa masayang paglalakbay.
Iyan ay isa sa mga pasukan papuntang Intramuros.
Animo’y eksena sa Plant vs. Zombies kung saan bigla-bigla na lang may susugod
na mga zombies.
Kung
ikakasal ka man at ikaw ay isang Katoliko, maganda siguro kung dito iyon
magaganap. Sa Manila Cathedral, na nasa loob din ng Intramuros.
Bakas ang impluwensya ng kulturang Kastila sa mga gusaling ito
na nakapaloob sa walled city. Espanyol
ang wika, disenyong Kastila, hinubog ng kasaysayan. Ang isa rito ay ginawa na ring tanggapan ng isang sikat na ampunan, ang Gawad Kalinga.
Ngunit sa paglipas ng panahon, nabahiran na rin ng modernong
panlasa ang ilang mga istruktura. Past meets present, ika nga.
Natural na kalikasan. Ang bagay na nasa loob ng Maynila na
hindi mo akalaing mayroon pa pala.
Mga pangulo ng Pilipinas? Narito rin sila.
Nakakalungkot lang talaga, ang masakit na katotohanan na ang maging ang Intramuros ay hindi nakaliligtas sa ganitong gawain ng tao.
Uy, kapwa natin sa turista, sino kaya siya? Sana, makilala natin siya.
Paano ba yan, kailangan na nating umuwi, oh Intramuros, hanggang sa muli nating pagkikita, paalam!
Pero iyon ang akala ko, hindi pa pala ako uuwi dahil kumalam ang aking tiyan. Habang pauwi, nag-iisip ako kung saan ba masarap ang pagkain ngunit abot-kaya ng bulsa. (Aaminin kong hindi sapat ang pera ko sa presyo mga pagkain sa loob ng Intramuros). Kaya ang naging resulta? Isa pang paggagala! Walang iba kundi sa pinakapaborito kong lugar, ang DIVISORIA!
Sa pusod ng
168 mall na mura rin ang mga bilihin, natagpuan ko ang Chopsticks and Spoons. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na makapunta at makakain ako rito. Hindi ako mahilig sa pagkaing banyaga pero nais kong subukan. Chinese and Japanese foods ang inihahain dito. Napag-alaman kong
8 taon na itong nagpapabusog ng mga kumakalaman na tiyan sa murang halaga.
Php55.00 lang, busog ka na. :)
Ito ang inorder ko, lomi. Sasambahin mo ang lomi nila sa sobrang sarap. Malapot na sabaw na sinamahan pa ng malutong-lutong na gulay, noodles na tama lang ang pagkakaluto at iba't ibang sahog na talagang mapapa-oohlala ka sa sarap. Babalik ako rito para matikman ko rin ang iba pa nilang putahe.
Ito nga lang ang ikinalungkot ko. Pero ayos lang, may baon naman akong tubig.
Inaasahang kong nagustuhan mo ang pagmamasyal
nating ito, hanggang sa muli nating pagkikita! Totoo na talaga, paalam! :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento